Barangay Defense System, Nagsagawa ng Checkpoint para Mapanatili ang Kapayapaan sa Liblib na Barangay
Ang Barangay Defense System (BDS) ng Barangay Saad, isang liblib na barangay sa Dumingag, Zamboanga del Sur, na kinabibilangan ng mga tanod at Civilian Volunteers Organization (CVOs) na pinangungunahan ni Barangay Kagawad Kgg. Rodel Apiag kasama ang mga sundalo ng 53rd Infantry “Matapat” Battalion (53IB) ng Philippine Army ay patuloy na nagsasagawa ng “BDS Checkpoint” upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa nasabing barangay.
Bukod sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, nakakatulong din ang BDS Checkpoint upang mabantayan ng mga tanod at CVO ang anumang paggalaw ng mga teroristang NPA sa barangay.


