MATAPAT@36: 53IB Launches “MATAPAT SA PAGLINGKOD” Battalion Theme Song
The Philippine Army’s 53rd Infantry “Matapat” Battalion (53IB) launched its official battalion theme song titled: “MATAPAT SA PAGLINGKOD” as part of 53IB’s 36th Founding Anniversary celebrations with the theme: “MATAPAT@36: Remember with Gratitude, Renew with Passion,” on January 26, 2020.
“Our MATAPAT SA PAGLINGKOD theme song depicts the principle of every Matapat Trooper’s passion of serving the people and securing the land in the pursuit of peace and progress for the province of Zamboanga del Sur,” 53IB Commanding Officer Lt. Col. Jo-ar A. Herrera said.
The MATAPAT SA PAGLINGKOD theme song’s lyrics and music is an original composition of Lt. Col. Herrera and selected Matapat Troopers.
MATAPAT SA PAGLINGKOD
(53IB THEME SONG)
VERSE 1
PAGKATAPOS NG ULAN, PAGKATAPOS NG KADILIMAN
ANG BAYAN AY SISIKATAN, LIWANAG NG KABUTIHAN
NASA PUSO’T ISIPAN, PAGMAMAHAL SA BAYAN
TUNGO SA KASAGANAAN, DULOT NG KAPAYAPAAN
VERSE 2
NAKARAA’Y LINGUNIN, NANG MAY PASASALAMAT
ANG ARAW AY SISIKAT, SA KABUTIHAN NG LAHAT
KAHIT NA MAHIRAP, TAYO AY MAGSIKAP
ITO ANG NARARAPAT, ABUTIN ANG ATING PANGARAP
CHORUS:
ANG BAWAT ISA’Y MAY TUNGKULIN, SA PAGKAMIT NG ATING MITHIIN
ANG KAPAYAPAAN AT KASAGANAAN, MAGKA-ISA’T MAKAKAMIT NATIN
MATAPAT SA PAGLINGKOD, KAILANMA’Y ‘DI MAPAPAGOD
MATAPAT SA MITHIIN, MATAPAT SA PAGTUPAD NG TUNGKULIN
VERSE 3
ANG ATING TAGUMPAY, SA DYOS NAKASALALAY
NASA ATING MGA KAMAY, MASAGANANG PAMUMUHAY
SA PUSO AT DIWA, KABUTIHAN SA KAPWA
SA ATIN NAGSISIMULA, ANG BUHAY NA MAPAYAPA
VERSE 4
KAYA NATING HARAPIN, ANUMANG MGA PASANIN
KAYA NATING ABUTIN, SA NAGKAISANG DAMDAMIN
TAYO’Y MAGSAMA-SAMA, TAYO AY MAGKA-ISA
YAKAPIN NATIN SAMA-SAMA, ANG BAGONG PAG-ASA
CHORUS:
ANG BAWAT ISA’Y MAY TUNGKULIN, SA PAGKAMIT NG ATING MITHIIN
ANG KAPAYAPAAN AT KASAGANAAN, MAGKA-ISA’T MAKAKAMIT NATIN
MATAPAT SA PAGLINGKOD, KAILANMA’Y ‘DI MAPAPAGOD
MATAPAT SA MITHIIN, MATAPAT SA PAGTUPAD NG TUNGKULIN
RAP
SA TIMOG ZAMBOANGA, MAY LIWANAG NA PAG-ASA
ANG BAYANG MAPAYAPA’Y NASA MABUTING PAMAMAHALA
PARA SA KABATAAN, NA PAG-ASA NG BAYAN
MASIDHI ANG KAGUSTUHAN, BAYAN AY PAGSILBIHAN
ANG MGA SUMAMA, SA MALING PAKIKIBAKA
KANILANG NAKIKITA, ANG PAGKAKA-ISA
HINDI NA KAILANGAN, MARAHAS NA PAGLALABAN
UPANG MAPABUTI, ANG ATING KINABUKASAN
SA ATING KAGUSTUHAN, MAKAMIT ANG KAPAYAPAAN
ATING MAAASAHAN, NA TAYO’Y PAGLILINGKURAN
ATING KABALIKAT, SUNDALONG MATAPAT
KAGITINGAN PARA SA BAYAN, HINDI MASUSUKAT
KAHIT NA MAY PANGANIB, AMING SUSUUNGIN
UPANG SIGURUHIN, MAKAMIT ANG MITHIIN
SA ZAMBONGA DEL SUR, TAYO AY MAGKAISA
TAYO AY MAGBUKLOD, SA MATAPAT NA PAGLINGKOD
CHORUS: (2X)
ANG BAWAT ISA’Y MAY TUNGKULIN, SA PAGKAMIT NG ATING MITHIIN
ANG KAPAYAPAAN AT KASAGANAAN, MAGKA-ISA’T MAKAKAMIT NATIN
MATAPAT SA PAGLINGKOD, KAILANMA’Y ‘DI MAPAPAGOD
MATAPAT SA MITHIIN, MATAPAT SA PAGTUPAD NG TUNGKULIN
MATAPAT SA PAGLINGKOD, KAILANMA’Y ‘DI MAPAPAGOD
MATAPAT SA MITHIIN, MATAPAT SA PAGTUPAD NG TUNGKULIN
CODA:
MATAPAT SA PAGTUPAD NG TUNGKULIN