Ending Insurgency

Dating recruiter ng mga estudyante para sa NPA, nagsalita!

Ako si Niezel Jean Flores aka Ayeth, dating miyembro at medic ng Guerilla Front KARA sa ilalim ng Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC).

Ako ay dating recruiter ng mga kabataan. Na-recruit at sumapi ako sa KABATAAN [Partylist] sa paniniwalang malaki ang maitutulong namin sa mga mahihirap, lalong-lalo na sa mga lumad na nasa kabundukan.

Bumababa ako sa White Area noon upang mag-recruit ng mga mga estudyante.

Dadalhin namin sila sa pribadong lugar upang indoktrinahan, mapaniwala, at ma-brainwash sa totoong pakay ng CPP-NPA-NDF. Lumalapit din kami sa mga pulitiko upang humingi ng budget para sa mga rally tuwing eleksyon at pagkampanya namin para sa Makabayan Coalition (Koalisyong Makabayan). Kabilang dito ang mga partylist tulad ng GABRIELA para sa mga kababaihan; KABATAAN Partylist para sa mga kabataan; KATRIBU Partylist sa mga lumad; ACT – Alliance of Concerned Teachers para sa mga guro; MIGRANTE Partylist para sa mga OFW; at PISTON para sa mga drayber ng pampublikong jeep.

Ito [pagra-rally] rin ang ginagawa namin upang mapagtakpan ang mga gawain ng armadong kilusan sa kabundukan.

Dinadala din namin dati ang identipikasyon ng Human Rights upang manghingi ng donasyon na kunyari ay para sa mga nasalanta ng mga sunog at baha. Ang totoo, ang “donasyong” nakalap ay pang-bili ng supplies ng mga kasama namin sa bundok.

Sa isang taon ko mahigit sa CPP-NPA-NDF, napag isip-isip ko ang tunay na naibigay lang namin sa kanila ay kahirapan dahil sa panghihingi namin sa kanila ng pagkain, pera, at “kontribusyon.”

Kahit isa din sa kanilang pangako na pera at lupa sa aming mga miyembro ng kilusan ay walang natupad. Wala na ngang tulog at kain, wala pang natupad ni isa sa kanilang mga pangako.

Inindoktrina din sa amin na kapag kami ay sumurender, kaming mga babae ay gagahasain ng mga sundalo o di kaya ay papatayin o ito-torture. Ngunit nang hindi ko na makayanan ang pangungulila sa aking pamilya, pagtitiis, at paghihirap sa bundok, ako ay napilitan bumalik sa gobyerno.

Pinag-aral sa TESDA, binigyan ng E-CLIP, at iba pang benepisyo na inilaan ng gobyerno para sa mga dating NPA. Binigyan nila ako ng bagong liwanag at pag asa, at nakasama ko ang aking pamilya. Nagpapasalamat din ako sa gobyerno lalong lalo na sa mga kasundaluhan ng 53rd IB sa kanilang tulong sa pagpapagamot ng aking anak.

Natanggap ni Aka Ayeth ang kanyang benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) nito lamang Mayo taong kasalukuyan. Isa na ring ganap na government employee si aka ayeth bilang CAFGU Active Auxiliary (CAA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *