Dating recruiter para sa teroristang NPA, nagbalik-loob sa Gobyerno
Siya si alias Marian, dating NPA organizer at recruiter para sa NPA. Dating Team Leader ng Tm Baking, Squad 2 ng Guerilla Front “KARA” ng Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC).

Isang taon naging aktibo si Marian sa Red Area habang nag-iindoktrina, nagre-recruit, at nag-oorganisa ng mga kababaihan, kabataan, at magsasaka.
Ayon kay Marian, ang pagre-recruit rin ang paraan upang sila ay mas makilala pa bilang organisasyon.
Sumorender si Marian sa Gobyerno dahil narealize n’ya na mas lalo pa nilang pinahihirapan ang mga tao. Ayon pa sa kanya, mahirap na nga sa bundok, hinihingan pa nila ng “kontribusyon,” pagkain, at pera.
Bilang isang organizer at recruiter, sila @MARIAN ang nagre-recruit sa mga kabataan na nag-aaral para imbitahan sa bundok at ma-indoktrinahan. Sila ang nagre-recruit sa mga kabataan upang mag full-time sa armadong hukbo ng NPA, kahit menor de edad ay napapapasok nila sa kilusan.
Ani Marian, “Ang aming pamamaraan bilang isang organizer, ay ang gumawa ng organisasyon sa mga kabataan sa mga barangay at mga eskwelahan. Pinapaintindi namin sa kanila, lalo na pag malapit na ang election, kung sino ang mga party-lists na sumusuporta sa NPA na tinatawag naming Makabayan Coalition; Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP sa magsasaka, PISTON sa mga driver, Bayan Muna, Anakpawis, KATRIBU sa mga Lumad, Alliance of Concerned Teachers o ACT sa mga guro, KABATAAN Party List sa mga Kabataan, MIGRANTE Party List para sa mga OFW, at GABRIELA PARTYLIST para sa mga Kababaihan.”
Dating ‘area of operations’ nina Marian ang probinsiya ng Zamboanga del Sur. Dati siyang organizer ng kanilang Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) sa mga magsasaka, kakabaihan, at kabataan. Dahil nakitaan siya ng potensyal, pinadala si Marian sa White Area during election time.
Ayon kay Marian, kahit Gabriela ZDS (Zamboanga del Sur) ang grupo na sinalihan niya, pinapa-endorso pa rin sa kanila ang Makabayan Coalition (Koalisyong Makabayan).
Pagkatapos ng eleksyon ay binalik siya sa Red Area ng GF-Kara. Si Marian ay nag lie low hanggang sa kanyang pag-surrender sa 53rd Infantry “MATAPAT” Battalion (53IB) noong ika-20 ng Agosto, 2017.
Si Marian ay nakatanggap ng kanyang mga benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) noong ika-12 ng Disyembre, 2018. Isa na ring ganap na government employee ngayon si Marian.